Nora, nag-iisip nang magretiro!

Nora, nag-iisip nang magretiro!

March 9, 2023 @ 5:18 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Dumating na raw sa punto ng kanyang buhay na nais nang magretiro sa showbiz si Nora Aunor.

Danga’t nga lang daw ay may pumipigil sa kanya na ipursige ito.

Sa darating na Mayo ay sarado 70 anyos na ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts.

What exactly is holding her back?

Diretsong tugon ni Ate Guy: “Iniisip ko kung ano naman ang gagawin ko pag-exit ko. Sa ngayon, tinitimbang ko muna.”

Kung matutuloy man daw ang plano niyang pagtalikod sa larangang nagkaloob sa kanya ng napakaraming parangal dito at maging sa ibang bansa, tinitiyak niya na mami-miss niya ang showbiz.

Halimbawa raw kung nanonood siya ng TV at nakikitang umaarte ang mga artista, datihan man o baguhan.

Sidelined for a time, inamin ni Nora na excited siyang muli sa paggawa ng pelikula, this via the Adolf Alix film na Pieta kung saan bulag ang papel na ginagampanan niya.

Bale matagal nang hindi nabigyan ng ganitong role si Nora.

The first ever movie where she played a visually impaired role ay sa Paru-parong Itim noong dekada 70.

Tinanong si Nora kung alin ang mas mahirap: ang maging aktres o ina sa kanyang mga anak.

But Nora wouldn’t give a straightforward answer.

Maingat na raw siya ngayon lalo sa kanyang mga pahayag na may kinalaman sa kanyang mga anak.

Baka raw kasi pagmulan pa ‘yon ng ‘di nila pagkakaunawaan.

Obyus na umiiwas si Ate Guy na makaalitan uli ang mga anak lalo na si Matet de Leon over their siimilar bottled gourmet tuyo/ tinapa business noong isang taon.

At least, malayung- malayo si Nora kung ikukumpara kay Sharon Cuneta na makailang beses nang nagsasabing magreretiro na only to take her words back. Ronnie Carrasco III