Nora, stop na sa yosi!

Nora, stop na sa yosi!

July 29, 2022 @ 6:29 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Tiyak na marami ang magagalak na malamang itinigil na ni Nora Aunor ang paninigarilyo.

Ito rin daw kasi ang advice sa kanya ng doktor nang ma-confine kamakailan.

Ito rin ang payo sa kanya ng dating asawa na si Christopher de Leon.

Mabuti’t tumalima ang Superstar dahil after all, para rin ‘yon sa ikabubuti ng kanyang kalusugan.

Matatandaang wala si Ate Guy nang tanggapin ng mga hinirang na National Artists ang kanilang karangalan sa Malacanang bago bumaba sa puwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.

Samantala, sa idaraos na ika-70 taon ng Famas ay dalawang parangal ang ipagkakaloob kay Nora.

Ang mga ito’y ang Natatanging Alagad ng Sining at Susan Roces Celebrity Award na siya ang kauna-unahang recipient.

Pagkilala ito sa mga natatanging kontribusyon ni Nora sa industriya sa loob ng halos anim na dekada.

Congrats din kay Ate Guy sa post-smoking phase ng kanyang buhay! Ronnie Carrasco III