Nora, tatlong minutong namatay, muling nabuhay!

Nora, tatlong minutong namatay, muling nabuhay!

February 25, 2023 @ 12:45 PM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Nag-throwback ang National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor nang ma-interview siya ni Boy Abunda sa show nitong Fast Talk.

Aniya, naging fan daw siya noon bago pa siya naging artista.

Fan daw siya noon ng namayapang beteranang aktres na si Amalia Fuentes.

Katunayan, kini-kiss daw niya ito pero dahil sa liit niya ay hindi niya ito maabot-abot.

Dahil daw doon, nasupladahan siya sa aktres kaya mula sa pagiging fan ni Amalia ay lumipat daw siya sa rival nitong si Susan Roces na napakabait daw sa kafaneyan.

Kaya naman, hanggang sa sumakabilang-buhay daw ang nasabing reyna ng pelikulang Pilipino ay nanatili siyang tagahanga nito.

Marami rin daw na siyang ups and downs na pinagdaanan noong panahon ng kanyang kasikatan bilang artista at singer.

Hindi naman niya itinangging greatest love niya ang kanyang love team partner na si Tirso Cruz III.

Sobrang baliw daw siya rito.

Sey pa niya, may pagkakataon daw na hindi siya pinapansin ni Pip kaya napapaisip siya kung pinakikisamahan lang daw siya nito dahil sa fans na minsan ay nakakasakit sa kanyang puso.

Sa throwback pa niya, may pagkakataon nga raw na kapag nag-aaway sila ni Pip, umiinom siya noon, pupunta sa bahay nito, hindi siya papapasukin at papatahulan sa mga aso habang nasa labas lang siya na matiyagang naghihintay na pagbuksan ng kanyang ka-love team.

Aminado namang nagloka-lokahan din siya noon sa pag-ibig kung saan limang lalake ang pinagsabay-sabay niya pero sa limang iyon daw ay isa ang true love at fling lang iyong iba.

Sa nasabing panayam, naikuwento rin ng Superstar ang himalang nangyari sa kanyang buhay na hindi alam ng publiko.

Noong nagkasakit daw siya, namatay na siya ng three minutes ayon sa sinabi ng mga doctor.

Aniya, nangyari raw iyon noong pandemic kung saan pabalik-balik siya sa ospital dahil hindi nag-i-stabilize ang kanyang blood pressure.

Katunayan, nalagay din daw siya sa ICU dahil bumaba ang kanyang oxygen level.

Isa pang himala na nangyari sa kanya ay noong maaksidente siya while shooting “Himala” kung saan nabangga ang kanyang kotse ng isang sasakyan. Nawalan daw siya ng malay noon kaya buong akala ng mga kasamahan niya ay binawian na siya ng buhay.

Ang itinuturing niyang ikatlong himala ay noong nawalan siya ng boses dahil sa nagkamaling operasyon sa kanya sa isang clinic sa Japan noong 2010.

Gayunpaman, nagpapasalamat daw siya at naibalik ang kanyang boses. Archie Liao