Normal ops ng transmission lines, facilities siniguro ng NGCP

Normal ops ng transmission lines, facilities siniguro ng NGCP

May 9, 2022 @ 2:11 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Siniguro ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) na normal na tumatakbo ang power grid ngayong araw, araw ng halalan, Mayo 9.

Sa situation update nito, “as of 9 a.m., ” sinabi ng NGCP na ang “transmission lines and facilities are under normal operations.”

Tinukoy din ng grid operator na ang suplay ng kuryente at demand situations sa lahat ng grids ay ang sumusunod:

Luzon

  • Capacity – 14,043 megawatts (MW)

  • Demand – 7,034MW

Visayas

  • Capacity – 2,836MW

  • Demand – 1,350MW

Mindanao

  • Capacity – 3,115MW

  • Demand – 1,183MW

Nauna rito, tiniyak naman ng Department of Energy (DOE), sa publiko na walang magiging problema sa power supply ngayong araw ng eleksyon.

Gayundin, sinabi ni NGCP spokesperson Cynthia Alabanza na makatutulong na makabawas sa demand para sa elektrisidad, tiniyak ang stable power supply sa panahon ng halalan ang naging deklarasyon na special non-working day ngayong araw, Mayo 9. RNT