Norman Black, dismayado sa maalat na takbo ng Bolts

Norman Black, dismayado sa maalat na takbo ng Bolts

October 9, 2018 @ 9:55 AM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Dismayado ang head coach ng Meralco Bolts na si Norman Black sa maalat na takbo ng kaniyang koponan matapos ang sunod-sunod na pagkatalo at kabi-kabilang injury na tinatamo ng kaniyang mga players.

Muling nakatikim ng pagkatalo ang Bolts sa kanilang laban noong Linggo kontra Ginebra sa score na 111-105 kung saan inamin ni Black na nagiging medyo mahirap para sa koponan ang mga ilang bagay sa ngayon.

“I’m just trying to do my best with what I have. It’s becoming a little bit more difficult because you don’t have the depth you have before. Some of the guys who normally come off the bench were support players are getting major minutes right now. And we seem to suffer a little bit when we sub through. We don’t have the same continuity or the same production and that’s where teams take advantage of us. That’s just the way it is now,” pahayag ni Black.

Inamin rin ni Black na isa pa sa kinakaharap ng Bolts ay ang mga injuries na iniinda ng kaniyang mga players na nagpapahina sa kaniyang lineup.

Bigong makalaro ngayong conference si Jared Dillinger dahil sa iniinda nitong leg injury habang 3 laro naman ang wala si Ranidel de Ocampo dahil sa sumailalim ito sa operasyon upang tanggalin ang bone spurs sa paa nito.

Gayumpaman, hindi naman sinisisi ni Black ang kaniyang mga players sa kinakaharap ng Bolts ngayon.

“They are working hard. It’s not really a problem. They are competitive, they are trying their best, but we always seem to come up a little bit short,” ayon kay Black./Remate News Team/Intern, Valerie Rivares