North at South Cemeteries sa Maynila, ipinasara sa bagyong Paeng

North at South Cemeteries sa Maynila, ipinasara sa bagyong Paeng

October 29, 2022 @ 7:40 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Iniutos ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan na ipasara ang North at South Cemeteries ngayong araw ng Sabado, Oktubre 29, makaraang umabot na sa Signal No. 2 ang Tropical Cycle Wind Signal Warning bunsod ng bagyong Paeng.

Layunin ng pansamantalang pagsasara ng mga pampublikong sementeryo sa Lungsod ng Maynila ay upang masiguro ang kaligtasan sa mga bibisita dito.

Bukod sa pagpapasara sa mga pampublikong sementeryo ay sinuspinde na din ang mga klase sa lahat ng antas, pampubliko at pribadong paaralan, face-to-face at online class ngayong araw, dahil na din sa Bagyong Paeng.

Samantala, naka Code Red Alert na ang Manila Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) para sa patuloy na pagmonitor at paghahanda ng mga ito lalo na sa mga ililikas at maaapektuhan ng nasabing bagyo.

Maging ang Manila Department of Social Welfare ay nakahanda na din para sa mga pansamantalang tutuluyan ng mga ililikas gayundin ng kanilang mga kakailanganin at pagkain. JAY Reyes