Seoul – Nagkasundo na ang North at South Korea na magkaroon ng military talks noong Martes, ayon sa Yonhap news agency sa South Korea kung saan ang pag-uusap ay naglalayong wakasan ang tesnyon sa pagitan ng dalawang bansa.
Magaganap ang general-level military talks sa July 31, sa border village ng Panmunjom na nasa ilalim ng demilitarized zone na naghihiwalay sa dalawang bansa, ayon sa Yonhap said.
Hindi pa naman nagbibigay ng iba pang detalye tungkol sa agenda ng magaganap na meeting,
Matatandaan na ang dalawang bansa ay huling nagkaroon ng military talks noong June. (Remate News Team)