North Korea, banta pa rin – Trump

North Korea, banta pa rin – Trump

June 23, 2018 @ 11:59 AM 4 years ago


Washington – Sa kabila ng matagumpay na makasaysayang pagpupulong, tinawag pa rin ni US President Donald Trump na nuclear threat ang North Korea.

Matatandaang matapos ang naging pagkikita ng dalawang mataas na lider ng bansa sa Singapore, masaya pang ipinost ni Trump sa kanyang twitter ang: “There is no longer a Nuclear Threat from North Korea.”

Pero nagbago ito kahapon, sa inilabas na presidential decralaration ng  US Congress na ii-extend pa nitong muli ang economic restrictions laban sa North Korea.

“The existence and risk of proliferation of weapons-usable fissile material on the Korean Peninsula and the actions and policies of the Government of North Korea continue to pose an unusual and extraordinary threat to the national security, foreign policy, and economy of the United States,” ayon sa inilabas na pahayag ng White House.

“I am continuing for one year the national emergency with respect to North Korea,” dagdag pa sa pahayag. (Remate News Team)