Northeast monsoon magpapaulan sa Cagayan Valley, CAR, Ilocos

Northeast monsoon magpapaulan sa Cagayan Valley, CAR, Ilocos

November 15, 2022 @ 7:07 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Magdudulot ang northeast monsoon ng isolated rains sa Northern Luzon habang makaaapekto naman ang Intertropical Convergence Zone (ITCZ) sa Southern Mindanao, ayon sa PAGASA.

Makararanas sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region, at Ilocos Region ng partly cloudy to cloudy skies with isolated light rains” dulot ng northeast monsoon.

Inaasahan naman sa Metro Manila at natitirang bahagi ng bansa ang “partly cloudy to cloudy skies with isolated rain showers or thunderstorms” dahil sa ITCZ at localized thunderstorms na maaaring magdulot ng pagbaha o landslides sa panahon ng severe thunderstorms.

Makararanas sa buong bansa ng “light to moderate wind speed moving northeastward” habang ang coastal waters ay magiging slight to moderate.

Sumikat ang araw kaninang alas- 5:57 ng umaga at lulubog mamayang  alas-5:24 ng hapon. RNT/SA