Northern Samar niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

Northern Samar niyanig ng magnitude 5.9 na lindol

December 9, 2022 @ 4:06 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Niyanig ng magnitude 5.9 na lindol ang Northern Samar nitong Biyernes ng hapon, Disyembre 9.

Ito ay ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kung saan ang sentro ay naitala 105 kilometro hilagang-silangan ng Mapanas.

Tectonic in origin ang lindol at may lalim na 38 kilometro na tumama 2:33 ng hapon.

Naitala naman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity III – Mapanas at Palapag, Northern Samar

Intensity II – Rosario and San Roque, Northern Samar; Prieto Diaz at Bulusan, Sorsogon

Intensity I – Legazpi City at Tabaco, Albay; Mercedes at Daet, Camarines Norte; Pili, Camarines Sur; Hernani at Can-Avid, Eastern Samar; Hilongos, Dulag, Kananga, Abuyog, Alangalang at Baybay, Leyte.

Hindi naman inaasahan ang pinsala sa imprastruktura sa nangyaring pagyanig.

Matatandaan na nitong Miyerkules lamang, Disyembre 7 ay niyanig naman ng magnitude 5.3 na lindol ang Camarines Norte na naramdaman din sa malaking bahagi ng Luzon. RNT/JGC