Norwegian tiklo sa P56M shabu sa NAIA

Norwegian tiklo sa P56M shabu sa NAIA

October 28, 2022 @ 10:38 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Nadakip nang pinagsanib na pwersa ng Bureau of Immigration (BI), Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Airport Police at PNP Aviation Security Group ang isang babaeng Norweigan national matapos tangkain nito na magpasok ng illegal na droga sa bansa kahapon ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 Pasay City.

Kinilala ni Customs collector Carmelita Talusan ang naaresto na si Rose Alex Moi na taga-Norway, 59 anyos.

Lumalabas na nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad mula sa Dubai intelligence group hinggil sa.kahina-hinalang bagahe ng suspek na umano’y na naglalaman ng illegal na droga.

Lumalabas na nang isalang sa Customs X-ray machine ang bagahe ng suspek ay dito na nadiskubre ang 8 kilo ng high grade shabu na nagkakahalaga ng 56 milyon piso na nakasilid sa special compartment ng luggage bag nito.

Nakapiit na si Moi na nahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. Jan SinoCruz