Notoryus na kawatan timbog, granada nakumpiska

Notoryus na kawatan timbog, granada nakumpiska

June 6, 2022 @ 6:20 PM 3 weeks ago


CAGAYAN DE ORO CITY – Syut sa kulungan ang notoryus na kawatan na may dalang granada matapos madakip ng mga awtoridad isinagawang operasyon.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Ranillo Madronero, 38, miyembro ng “Batang Mindanao-29” gang at residente ng Barangay Macabalan, Cogon.

Batay sa report ng Cogon Police Station 2, nakatanggap sila ng report hinggil sa nakawan sa loob ng Cogon Public Market at itinuturo ang suspek na siyang responsable.

Ayon kay Sowair Sarip Hamid, security guard sa nasabing palengke kita sa CCTV footage ang pagnakaw ng suspek sa isang mobile phone stall sa loob ng palengke at kinuha nito ang 6 na cellphone na umabot sa halagang P20,000.00.

Sinuri ng Cogon-PNP ang closed-circuit television camera sa lugar at nakilala ang suspek ng kanyang mga nabibiktima.

Agad na nagsagawa ng manhunt operation ang pulisya laban kay Madronero na nagresulta ng pagkakadakip nito at nakuha mula rito ang isang Granada.

Sinampahan na ng patung-patong na kaso sa CDO Provincial Prosecutors Office si Madronero./Mary Anne Sapico