Notoryus na miyembro ng drug group sa Maynila nasakote

Notoryus na miyembro ng drug group sa Maynila nasakote

October 16, 2022 @ 3:48 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Arestado ng Manila Police District (MPD) ang isang miyembro ng Toto Drug Group at Ferrer Criminal Gang Sabado ng gabi, Oktubre 15 sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Joel Lopez y Santos, 30, resident ng No. 866, Area A, Gate 3, Tondo, Maynila

Napag-alaman na nagsagawa umano ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation ang mga tauhan ng MPD na nagresulta sa pagkakadakip ng suspek matapos mahulihan ng baril.

Nag-ugat ang operasyon sa impormasyong nakalap ng pulisya na ang suspek ay aktibong miyembro ng nasabing mga grupo at nasa listahan ng Police Station 12 (Delpan Police Station)

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre 38 at mga bala.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden