Notoryus na Valenzuela-Arnaiz Criminal Gang timbog sa droga

Notoryus na Valenzuela-Arnaiz Criminal Gang timbog sa droga

July 20, 2018 @ 8:26 AM 5 years ago


Caloocan City – Nasakote ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit  ang dalawang notoryus umano na drug suspek sa Tullahan Road, Barangay Sta.Quiteria sa Caloocan City pasado alas-12 kaninang madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na si Rolando Arnaiz alyas ‘Lang-Lang’ na isa sa lider ng Valenzuela-Arnaiz Criminal Gang at kasamahan nito na si David Montalbo.

Sa imbestigasyon ng pulisya nagpanggap na buyer ng droga ang kanilang operatiba at bumili ng droga sa mga suspek ng isang daang gramo ng shabu narekober sa kanila ang nasa 350 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng mahigit P2 milyong piso, dalawang kalibre .45 na baril, mga bala, at marked money.

Ayon kay Police Chief Supt. Guillermo Eleazar, ang hepe ng National Capitol Region Police Office (NCRPO) maliban sa kasong droga ng mga suspek sangkot din si Arnaiz sa kasong murder dahil pawang mga gun for hire din ang kanilang grupo.

Napag-alaman na number 1 most wanted si Arnaiz sa Novaliches  kung saan nago-operate ang mga ito  sa area ng Caloocan, Quezon City at Bulacan.

Sa ngayon dinala na sa Camp Bagong Diwa ang mga suspek na sasampahan ng kaso ukol sa iligal na droga at illegal possession of firearms and ammunition. (Kuha ni Val Leonardo)

 

REMATE FILE PHOTO | KUHA NI VAL LEONARDO