Noturyos na ‘online motornapper’, arestado sa SJDM

Noturyos na ‘online motornapper’, arestado sa SJDM

July 13, 2021 @ 12:32 PM 1 year ago


Bulacan-Arestado ang pinaniniwalaang noturyos na motornapper matapos magpost sa social media ng mga ibinibentang nakaw na motorsiklo sa San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ang naarestong suspek na si Marvin Cerdeña,30,binata at residente ng Brgy.Gaya-Gaya habang ang biktima ay si Mario Deterala Jr,38 residente ng Brgy.Tungkong Mangga.

Sa report ng SJDM police,nangyari ang insidente bandang 9:00 pm,July 9 habang nagwi-withdraw ang biktima sa isang ATM machine sa Brgy.Tungkong Mangga nang tangayin ng suspek ang kanyang motorsiklong Yamaha Mio Aerox na nakasuksok pa ang susi.

Ayon sa imbestigasyon,nakita agad ng biktima sa Facebook post ng suspek na residente ng Brgy.Gaya-Gaya kaya agad nilang pinuntahan ang lugar at aksidenteng nakita niya ang kanyang motor lulan nito.

Agad nilang sinundan ng mga kasamahan niyang rider ang suspek at nang matunton ang bahay ay agad silang humingi ng tulong sa mga pulis.

Dahil dito,agad na nagsagawa ng follow up operation ang SJDM police kaya nahuli ang suspek.

Nakuha rin sa bahay ng suspek ang samut-saring motorsiklo na walang kaukulang dokumento at pinaniniwalaang nakaw.

Sinasabing sangkot ang suspek sa malawakang nakawan ng motorsiklo sa Metro Manila at walang pinipiling bibiktimahin.

Aminado rin ang suspek sa pagnanakaw ng mga motorsiklo na nahaharap sa kaukulang kaso. Dick Mirasol III