Novovax inirekomendang bakuna ng mga solon; ‘di na Astrazeneca

Novovax inirekomendang bakuna ng mga solon; ‘di na Astrazeneca

April 8, 2021 @ 7:53 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hindi na rekomendado para sa bakuna ng mga kongresista at kawani ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ang AstraZeneca.

Sa halip ay ang ibabakuna ay ang Novovax na nagmula sa India.

Kinumpirma ito ni Bataan Rep. Jose Enrique “Joet” Garcia III, head ng HREP CongVax Program, matapos na ihayag na tuloy pa rin ang vaccination program sa Mababang Kapulungan sa kabila ng hiling ng Food and Drug Administration (FDA) na itigil muna ang paggamit ng AstraZeneca vaccine.

Mababatid na naunang inanunsyo ng Kamara na nakipagkasundo na sila sa AstraZeneca para sa bakuna ng mga House employees.

Pero hindi ito natuloy dahil ang AstraZeneca ay inilaan na para sa mga LGU at private orders kaya napagpasyahan na Novovax na ang bilhin na gawa ng Serum Institute of India.

Inaasahan namang sa third quarter ng taon masisimulang mai-deliver ang Novovax sa bansa.

Ngayong araw ay hiniling ng FDA sa Department of Health (DOH) na suspendihin muna ang pagbibigay ng AstraZeneca vaccines sa mga edad 60 pababa, habang hinihintay ang rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) matapos maiulat ang pagkakaroon ng blood clotting sa mga matatandang naturukan ng AstraZeneca. (Meliza Maluntag)


  •  
  •  
  •