Noynoy kay Cayetano, ‘i-Google mo’

Noynoy kay Cayetano, ‘i-Google mo’

August 4, 2018 @ 8:56 AM 5 years ago


Manila, Philippines – Hindi gustong patulan ni dating Pangulong Benigno Aquino III ang ‘open letter’ ni Department of Foreign Affairs sa kanya kaugnay sa mga naging negosasyon at usapin sa West Philippine Sea noong nakaraang administrasyon.

Tumanggi si Aquino na sagutin ang mga katanungan na inilabas ni Cayetano sa kanyang open letter at sinabing madali lang naman ang mga sagot dito at mahahanap sa Google, isang kilalang search engine.

Banat ng dating pangulo, “Would it be wise to give your team’s playbook to your opponent?”

Para kasi kay Aquino, kung sasagutin niya ito ay paniguradong ibibigay niya rin ang ‘gold mine’ na impormasyon sa China.

“Akin, to presenting them with a gold mine of information and intelligence —a playbook, so to speak— on our country and our very strategy.”

Pinaalalahanan din ni Aquino ang kalihim na huwag masyadong maging ‘close’ sa China gaya ng mga babala niya sa mga dumalo ng National Security Council meeting noong July 2016.  (Remate News Team)