NPA guerrilla todas sa bakbakan sa Bukidnon—Army 

NPA guerrilla todas sa bakbakan sa Bukidnon—Army 

August 2, 2020 @ 1:55 PM 2 days ago

Share

Bukidnon–Isa umano ng gerilya mula sa New People’s Army na pinaniniwalaang nasa likod ng pagsunog sa mga heavy equipment sa Velencia City ang napatay sa engkuwentro ng tropa ng pamahalaan kahapon ng umaga, iniulat ng Philippine Army.

Ayon kay PA’s 4th Infantry Division sa Cagayan de Oro City, agad na rumesponde ang mga sundalo ng makatanggap ng impormasyon na may presensiya ng mga armadong grupo sa Barangay Mandahican.

Sinabi ni Lieutenant Col. Franklin Fabic, commanding officer  88th Infantry Battalion na dito na nakaengkuwentro ang nasa 15 NPA guerrillas, bandang 9:50 a.m kung saan sampung minuto ang itinagal ng bakbakan.

Kinilala ni Fabic ang napatay na si alias “Daligas”, squad leader ng Guerrilla Front Malayag, isang yunit ng NPA na responsable sa panununog ng dump truck at pay loader sa quarry site sa Barangay Sinabuagan, Valencia City noong June 19.

Nakasamsam ang mga sundalo sa clash site ng M16 rifle at bandoleer na naglalaman ng apat na magazines.

Nadiskubre rin ng militar ang abandonang kuta ng mga rebelde na kayang maglaman ng 30 katao, malapit sa encounter site.

Nakuha naman sa kuta ang 8 cellular phones, ilang medical supplies at personal na bagay. NCT

Share

Comments (5)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *


Loading...