NPA leader timbog!

NPA leader timbog!

October 18, 2022 @ 12:43 PM 1 month ago


NEGROS ORIENTAL- ARESTADO ang lider ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa southern Negros Oriental sa isinagawang operasyon tropa ng pamahalaan nitong Sabado sa probinsyang ito.

Kinilala ni Lt. Col. Roderick Salayo, commanding officer ng 11th Infantry Battalion ng Philippine Army, ang nadakip na suspek na si Reneboy Haniala Pagon, 34, residente ng Sitio Balascan sa Barangay Napacao, bayan ng Siaton.

Sa bisa ng warrant of arrest sa magkahiwalay na kaso nadakip ang suspek sa Sitio Salingkubong, Barangay Tayak, ng nasabing bayan.

Sinabi ni Salayo na si Pagon ay tinaguriang pinuno ng Squad 2 ng Southeast Front (SEF) sa ilalim ng Rachelle Mae Palang Command.

Ayon pa sa militar tuluyan na nilang nabubuwag ang iilan sa mga natirang kasapi ng SEF ng Komiteng Rehiyon-Negros, Cebu, Bohol, at Siquijor kaya patuloy pa ang kanilang pagre-recruit ng mga miyembro subalit niyak na pamahalaan na hindi magtatagumpay ang mga ito dahil a walang tigil na operasyon ng tropa ng pamahalaan laban sa CPP-NPA.

“Some of them have also already signified their intent to surrender to authorities but they are still “testing the waters” ani Salayo.

Samantala, bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na durugin ang insurhensiya sa pamamagitan ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC), mayroon pang 75 standing warrants of arrest na kasapi ng CPP- NPA ang nasa listahan ng Negros Oriental Provincial Police Office (NOPPO)./Mary Anne Sapico