NPA member patay sa engkuwentro sa Bicol —militar

NPA member patay sa engkuwentro sa Bicol —militar

January 22, 2022 @ 10:50 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Patay ang hinihinalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa naganap na engkuwentro sa Bico, batay sa militar.

Batay sa Philippine Army, nagsimula ang gulo bandang 12:50 p.m. sa Barangay Sta. Lourdes sa Barcelona, Sorsogon.

Nakasagupa ng Philippine Army’s 31st Infantry Battalion (31IB) at 903rd Infantry Brigade, intelligence units ng Philippine Army and Police Regional Office 5 (PRO-5) at Sorsogon Police Provincial Office thang nasa 20 rebelde.

Dito naman nagsimula ang barilan na nagresulta ng pagkasawi ng isang NPA na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.

Habang narekober sa lugar ang apat na high-powered firearms. RNT/FGDC