NPA recruiting ng Kabataan Party-list group itinanggi ni Elago

NPA recruiting ng Kabataan Party-list group itinanggi ni Elago

November 24, 2020 @ 4:46 PM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines — Itinanggi ni Kabataan Party-list Rep. Sarah Elago na bahagi siya ng communist movement maging ang pagrerepresenta bilang NPA recruiter.

“Hindi ako NPA. Hindi ako NPA recruiter. Hindi po bahagi o front ng CPP  (Communist Party of the Philippines) ang Kabataan Partylist. Hindi NPA Recruiter ang Kabataan Partylist. Hindi rin ito nagrerecruit para maging NPA,” punto ni Elago.

Illogical aniyang sabihin na ginagamit ang partylist upang mag-recruit ng NPA members.

“May kalayaang magdesisyon ang bawat miyembro kung anong landas na kanilang tatahakin sa buhay,” lahad pa nito.

Para kay Elago, mas maiging tingnan ang ugat kung bakit may mga Pilipinong sumasali sa mga armadong grupo at rebelde laban sa gobyerno kaysa ibato ang akusasyon sa kanila.

Pinasinungalingan din nito ang pahayag ng isang Lady Ann Miranda, witness na iniharap ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-Elcac).

Paglilinaw ni Elago, wala siyang dinadaluhang “underground meeting” sa University of the Philippines College of Law taliwas sa alegasyon ni Miranda.

“Una, hindi ko siya kilala. Pangalawa, wala akong dinadaluhan na sinasabing underground meeting.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...