NPA sa Samar pupuksain ng bagong Army commander bago 2023

NPA sa Samar pupuksain ng bagong Army commander bago 2023

October 25, 2022 @ 7:45 AM 1 month ago


SAMAR, Philippines – Target ng bagong kumander ng Philippine Army na wakasan ang lokal na armadong labanan sa Silangan Visayas bago matapos ang taon.

Sinabi ni Maj. Gen. Camilo Ligayo, na siyang bagong  commander ng 8th Infantry Division ng Philippine Army noong Oktubre 21, na ang pagdating ng mga makabagong kagamitan, ang suporta ng lokal na gobyerno at mga komunidad, maging ang mga insentibong ibinibigay ng gobyerno sa mga susukong NPA ay magiging malakas na sandata laban sa insurgency.

“We will continue to fight against these so-called peace spoilers. As we move forward, we will continue to recognize that the insurgency campaign is a shared responsibility of everyone in government,” ani Ligayo.

Una nang iniatas ni Philippine Army chief Lt. Gen. Romeo Brawner Jr. sa kasunduluhan na puksain ang insurhensya bago matapos ang taon.

“The timeline that I set doesn’t mean that they need to totally annihilate the communist group, instead they must become insignificant so that they can no longer extort money from companies, from the people, and that they can no longer recruit new members,” Brawner said.

Sa pamumuno Ligayo nakamit ng brigada ang tagumpay laban sa NPA sa isang operasyon na humantong sa pagkapatay ng 20 rebelde at pagbawi ng 33 baril.

Ang pagiging pamilyar ni Ligayo sa kalupaan sa Samar Island ay isang malaking salik upang maabot ang target, ani Brawner. RNT