NPA vice commanding officer dedo sa engkwentro

NPA vice commanding officer dedo sa engkwentro

February 22, 2023 @ 12:03 PM 1 month ago


SOUTH COTABATO –PATAY ang vice commanding officer ng New People’s Army (NPA) matapos makipagbarilan ng militar sa isinagawang operasyon, noong Sabado.

Kinilala ang nasawi na si Martin Min Fay, kilala sa mga pangalan Diego o Kidlat, vice commanding officer ng front organizational command ng New People’s Army (NPA) Guerilla Front Musa sa ilalim ng Far South Mindanao Region.

Ayon kay Brigadier Gen. Pedro Balisi Jr., commander of the Army’s 1st Mechanized Brigade (1MBde), dakong 5:00 AM ng sumiklab ang sagupaan sa pinagtataguan kuta ni Fay sa Barangay Laconon, T’boli .

Sinabi ni Balisi, target ng operasyon si Fay, bitbit ang search warrant sa mga kasong kinasasangkutan nito.

Pagdating sa nasabing lugar agad na sinalubong ng mga putok ng baril ng suspek ang tropa ng 1MBde at Army’s 5th Special Forces Battalion.

Gumanti ng putok ang militar at tinamaan si Fay na naging sanhi ng kanyang kamatayan habang wala naman naiulat na nasugatan o nasawi sa panig ng pamahalaan.

Narekober ng lugar ng pinangyarihan ng bakbakan ang .45-caliber pistol, 13 bala, 3 mobile phones, 2 sling bags at mga personal na kagamitan .

Dagdag pa ni Balisi, na ang grupo ni Fay ang responsable sa iba’t ibang krimen kabilang ang arson at pambobomba ng bus.

Ilan lamang sa mga ito ay ang panununog ng road grader na pag-aari ng T-Square Construction sa General Santos City noong November 2016.

Maging ang pananambang sa tropa ng 27th Infantry Battalion sa T’boli, South Cotabato, noong 2018./Mary Anne Sapico