NPC: Data aggregators labas sa ‘personalized text scam’

NPC: Data aggregators labas sa ‘personalized text scam’

September 8, 2022 @ 9:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Hindi dapat ibunton ang sisi sa mga “data aggregators'” sa pagtaas ng text scams na naglalaman ng pangalan ng subscriber.

Ito ang lumabas sa inisyal na findings ng National Privacy Commission (NPC).

Batay sa mga napaulat na kaso, sinabi ng privacy watchdog ng bansa na ang scam messages “appear to have been sent using specific mobile numbers registered to certain texting services.”

Napag-alaman sa mga telco players na ang cybercriminals ay gumagamit ng “a phone-to-phone (P2P) transmission.”

“Such transmission is usually coursed through a telecommunication company’s regular network and does not pass through data aggregators. Contrary to a P2P transmission, data aggregators use an application-to-phone (A2P) transmission,” ayon sa NPC.

“The messages received through this transmission will not appear to have come from specific mobile numbers. Instead, it will come from a sender that has SMS ID (i.e., bank names, organization names, etc.) which identifies the data aggregator, or the brand or business name using the data aggregator’s services,” paliwanag pa nito.

Giit ng ahensiya, patuloy pa nilang hahalukayin ang usapin upang malaman ang pinagmulan at pinag-ugatan ng smishing messages.

Pinag-aaralan din ng NPC ang “patterns” na ginagamit ng mga kriminal sa pag-target ng consumers, kabilang na ang “name formats that prospectively match the names of data subjects registered with popular payment applications, mobile wallets, and messaging applications.”

Katuwang ang telco companies, sinabi ng NPC na bumabalangkas sila ng countermeasures para labanan ang smishing messages. Kris Jose