NPC, DICT sanib-pwersa vs cybercrime

NPC, DICT sanib-pwersa vs cybercrime

December 14, 2022 @ 12:38 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pumirma ng kasunduan ang National Privacy Commission (NPC) sa anti-cybercrime arm ng Department of Information and Communications Technology (DICT) upang labanan at maiwasan ang lumalaganap na mga krimen gamit ang social media at teknolohiya.

Ayon sa NPC, pumirma sila ng kasunduan sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) noong Disyembre 9 upang palakasin ang kanilang pamamaraan kontra cybercrime.

“The MOA is the culmination of our agencies’ mutual ambition to further protect the integrity of the Philippines’ digital transformation journey,” sinabi ni Privacy Commissioner John Henry Naga.

“The NPC is committed to work with CICC to ensure the safe and secure integration of digital services and processes into all areas of organizations and businesses,” dagdag pa.

Kabilang sa dumalo sa signing ceremony si CICC executive director Alexander Ramos.

Sa kasunduan, magbibigay ito ng pagkakataon ng joint action sa data protection at cybercrime law, kabilang na ang data privacy law enforcement.

Magdaragdag din ito ng technical expertise at resources sa NPC samantala magbibigay din ito ng institutional at international linkages sa National Cybercrime Hub (NCH).

Sinabi pa ng NPC na makikilahok ito sa iba’t ibang aktibidad ng NCH na binuo ng CICC upang magkaroon ng koneksyon sa marami pang ahensya ng pamahalaan, academe, industry experts at international law enforcement at government partners para sa mas epektibong ugnayan at resource sharing kontra sa cybercrimes. RNT/JGC