NPC ex-president natagpuang patay sa condo

NPC ex-president natagpuang patay sa condo

June 15, 2022 @ 4:39 PM 2 weeks ago


Natagpuang patay sa kanyang condo unit sa Taft Avenue sa Malate, Maynila ang dating presidente ng National Press Club (NPC) na si Alfredo Lobo, 66-anyos.

Ayon sa MPD-Homicide Section, isang tenant sa Vista Taft Condominium ang nag-ulat sa guwardiya ng gusali hinggil sa masangsang na amoy sa 7th floor.

Nang puntahan, ilang beses na kinatok ng gwardiya ang unit 706 pero walang sumasagot.

Dahil dito, nagdesisyon si Mark Jerome Caliso, ang property manager ng condominium kasama ang kagawad ng Brgy. 709 na sapilitang buksan ang nasabing unit kung saan tumambad ang wala nang buhay na biktima sa kanyang comfort room.

Hinala ng pulisya, ilang araw nang patay ang biktima dahil nasa state of decomposition na ang kanyang  mga labi.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa sanhi ng pagkamatay ng biktima  habang hinihintay ang resulta ng kanyang otopsiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden