NPC, ika-68 anibersaryo ipinagdiriwang

NPC, ika-68 anibersaryo ipinagdiriwang

October 29, 2020 @ 11:55 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Ipinagdiriwang ngayon ng National Press Club ang ika-68 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa pamamagitan ni dating NPC President Teodoro Valencia.

Pinakauna sa lahat ng samahang pang-media ang NPC sa Pilipinas at kilala ito na istrikto o tapat na nagpapatupad ng pagsunod ng mga miyembro nito sa batas sa journalismo o Journalists Code of Ethics.

Kahapon, nanumpa sa tungkulin kay Chief Justice Diosdado Peralta ang mga opisyal ng NPC sa En Banc Session Hall ng Supreme Court.

Binubuo ang mga opisyal-pang-ehekutibo nina Mr. Gutierrez ng People’s Journal (President), Ma. Kristina Maralit ng Daily Tribune (Vice President), Lydia Bueno ng Remate (Secretary), Mina Navarro ng Balita (Treasurer),  at Eunel Leonel M. Abasola ng Balita (Auditor).

Mga director naman sina Alvin Murcia (Daily Tribune), Jean Fernando (Manila Bulletin), Nats Taboy (Remate), Aya Yupangco (DWIZ), Madz Dominguez (Manila Bulletin), Benedict Abaygar (Pilipino Mirror), Joe Torres (LiCAS News), Jun Mendoza (Philippine Star), Jeany Lacorte (Abante) at Joey Venancio (Police Files Tonite).

Ayon kay Gutierrez, gaganapin ang anibersaryo mismo sa gusali ng NPC sa Magallanes Drive, Intramuros, Manila at gabay nito ang temang “PROUD AND STRONG@68.”

Sisimulan ang programa ng isang banal na misa na isasagawa ni Fr. Fr. Roy Lim Gallano, ng San Agustin Church.

Kasama sa programa ang pagkilala at pagpaparangal sa mga indibidwal at organisasyong nakatulong sa pagsusulong ng programa ng NPC para sa kapakanan ng mga miyembro ng media, mamamayan at bayan.

Kasama sa mga tulong ng mga indibidwal at organisasyon ang pagsusulong ng mga programang pagkakaroon ng batas para sa proteksyon ng medimamen at pagkakaroon ng insurance, scholarships, pabahay, medikal  at tulong-pinansyal, lalo na ngayong panahon ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Kabilang sa mga kikilalanin at pararangalan sina Senate President Vicente Sotto III, Majority Leader Sen. Juan Miguel Zubiri, Sen. Richard Gordon, Manila Mayor Isko Moreno, Presidential Communications Operations Office Sec. Martin Marfori Andanar, Department of Environment and Natural Resources Usec. Benny Antiporda, Presidential Commission on Urban Poor Chairman Alvin Feliciano, House committee on labor and employment chairman and 1-PACMAN Partylist Rep. Enrico Pineda, BOC Assistant Commissioner/Spokesperson Atty. Vincent Philip Maronilla, Philippine Amusement and Gaming Corporation, PNP Deputy for Administration P/Lt. Gen. Guillermo Eleazar, PCOO Usec. Joel Sy Egco, ACT-CIS Partylist Reps. Eric Go Yap, Jocelyn Pua-Tulfo at Rowena Nina Taduran.

Kasama rin ng mga itong pararangalan ang iba pang mga indibidwal at organisasyon gaya ni Mr. Cesar Chaves, chief of staff, Office of the Manila Mayor; ang Technical Education Skills and Development Authority, Pasay City Host Lions Club sa ilalim ng pamumuno ni Pres. Lydia Bueno; Alaska Milk Corporation; dating Candaba Mayor Danilo Baylon, CEO, Dan Way Processing; Mr. Dennis Napule, Ms. Christine Francisco at Dr. Jovertice Pudan ng Risen Savior Mission, USA and Healthy and Safety Knights of the Philippines; at sina Journalists Gina Mape, Mer Layson, Bambi Purisima and Joel Gorospe.

Napagkalooban na rin ng Certificate of Recognition si Chief Justice Diosdado M. Peralta nang panumpain nito ang mga opisyal.

Nauna rito, nagkaroon ng feeding program ang NPC na pinakinabangan ng nasa 3,000 katao, lalo na ang mga mahihirap sa paligid ng NPC at mga kalapit na barangay, kasama ang mga nasa Tondo, Manila. RNT


  •  
  •  
  •  

Loading...