NPC LTOPF Caravan, umarangkada

NPC LTOPF Caravan, umarangkada

October 27, 2021 @ 6:47 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Kumilos na ang National Press Club upang matulungan ang mga kasapi nito na maging legal ang pagmamay-ari ng mga baril.

Tinawag na NPC License To Own and Possess Firearm (LTOPF) caravan, katuwang ng press club si Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar sa pagtulong sa mga kasapi ng media na mapadali ang pagkuha ng lisensiya sa baril.

Bukod sa miyembro ng media, maaari ring mag-avail sa NPC LTOPF caravan ang mga gun enthusiast, mga miyembro ng ibang organisasyon, mga opisyal at kawani sa mga ahensiya ng pamahalaan.Kabilang sa proseso ang pagsalang sa drug test,  neuro test at kailangan din ang police clearance.

Tatagal ang caravan hanggang mamayang hapon.

Kaugnay nito, pinaalalahanan ni NPC President Paul Gutierrez ang mga mamamahayag na mag-avail ng pinadaling LTOPF sa NPC.

Ang LTOPF caravan ay bahagi ng isang buwang aktibidad ng NPC na nagdiriwang ng ika-69 na anibersaryo na may temang “Strong and Resilient @69”. Kuha ni Val Leonardo