NPC, magpupulong para sa Halalan 2022 – Sotto

NPC, magpupulong para sa Halalan 2022 – Sotto

October 29, 2020 @ 12:35 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magpupulong ang Nationalist People’s Coalition (NPC) sa paghahanda sa Halalan 2022 ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

We are doing well, still grieving for our loss, but we have met some of our leaders already. Ang usapan namin originally kasi was after the 40th day of Ambassador Danding, the leadership will meet again to focus on the continuation and the leadership of the party,” pahayag ni Sotto sa Manila Bay forum.

Aniya magpupulong ang NPC sa lalong madaling panahon.

“We have always been the second largest political party who is not in power. We have never been in power since 1992, di ba? Pero pinaka-solid, bihirang [may] umaalis, unless tinanggal,” giit ni Sotto.

Matatandaang pumanaw na ang founder ng NPC na si Eduardo “Danding” Cojuangco nitong Hunyo.

Samantala, hindi pa nakakapagpasya si Sotto kung tatakob siya sa mas mataas na posisyon sa darating na halalan. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...