NPC nagbabala sa bogus invitation

NPC nagbabala sa bogus invitation

September 9, 2022 @ 8:51 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang National Press Club of the Philippines (NPC) sa publiko kaugnay sa mga indibidwal o grupo na nagpapanggap na kasapi o may ugnayan sa nasabing samahan ng mga mamahayag.

Sa inilabas na babala ng NPC. binalaan nito ang pangkalahatang publiko, lalo na ang mga opisyal ng gobyerno na huwag i-entertain  ang anomang imbitasyon o solicitation mula sa sinomang grupo o indibidwal gamit ang pangalan o logo ng NPC.

Ang ganitong aktibidad ay hindi aprubado ng NPC, ayon kay NPC  Immediate Past President at  Secretary Paul Gutierrez.

“Further, the NPC reserves the right to pursue legal action for usurption and misrepresentation againts such group or individual”, ayon pa sa NPC.

Nanawagan din ang NPC na mabuting ireport ang ganitong insidente sa NPC para sa angkop na pagkilos.

Ipinakita rin ng NPC sa Facebook post ang sample ng bogus na imbitasyon na may logo ng NPC. Jocelyn Tabangcura-Domenden

May be an image of text that says "DEPARTME PIIL PPIN INVITATION LETTER September 2022 honored and pleased invite September occasion. 2022 11:00 Guest agend would foth launching book place Manila Hotel, such huge privilege have special tackles modern agricultural engineering which mechanization onsidered helpful way backbone enhance crop yield with farmers' presence more a priorities including more productive Filipino farmers, event jobs, improving Ûa making griculture food hefae fclimate change. ook forward Thank you very much your attendance for the launching book. Sincerely, Author"