NPC nagbabala sa publiko vs smishing

NPC nagbabala sa publiko vs smishing

October 9, 2021 @ 4:15 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nagbabala sa publiko ang National Privacy Commission (NPC) tungkol sa “smishing” o uri ng  phishing na isinasagawa sa pamamagitan ng text messages.

Sa Laging Hand briefing, hinikayat ni NPC Commissioner Raymund Liboro ang publiko na huwag i-click ang link sa text na ipinadala ng hindi kilalang numero.

 “Itong smishing ay paraan ng mga hacker na magpadala ng mensahe via SMS at ito po ay may mga link na kung kayo ay magki-click dadalin kayo sa isang website na maari kayong tanungin ng dagdag pang impormasyon, ano ba ang iyong bank account number, mga password na siyang magdudulot ng sari-saring problema sa inyo kabilang diyan papasukin ang bank account ninyo at lilimasin ang inyong ipon,” ani Liboro.

Tinututukan na anila ang mga report tungkol sa phishing sa mga numerong nakukuha sa contact tracing forms.  RNT/FGDC


  •  
  •  
  •