NPC nagpahayag ng suporta sa speakership ni Romualdez

NPC nagpahayag ng suporta sa speakership ni Romualdez

May 15, 2022 @ 4:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Lumahok na rin ang Nationalist People’s Coalition (NPC) sa mga partidong nagsusulong sa Kamara na maging speaker si House Majority at Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

Isang manifesto of support ang inihain nina House Secretary General at dating Batangas Rep. Mark Llandro Mendoza, Rizal Rep. Jack Duavit at Quezon Rep. Mark Enverga  kay Romuladez na nilagdaan ng may 39 na NPC House members.

Batay sa nakasaad sa manifesto  ang pagluklok kay Romualdez bilang Speaker ng 19th Congress “will definitely bring the House of Representatives to new and greater heights under a common goal of unity towards economic and moral recovery, social justice and the rule of law.”

Naniniwala ang NPC na mapangungunahan ni Romualdez ang Kamara de Representantes dahil sa naging karanasan nito bilang kongresista at Majority Leader.

“We firmly believe that Hon. Romualdez has the experience and aptitude that will effectively unify the House of Representatives in the passage of important and crucial legislative reforms for the country and the Filipino people under the administration of His Excellency, President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.,” dagdag ng NPC.

Nauna nang nag-endorso kay Romualdez ang Party-list Coalition Foundation, Inc. (PCFI), PDP-Laban, Nacionalista Party (NP), Hugpong ng Pagbabago (HNP), Liberal Party (LP), Lakas-CMD  at National Unity Party (NUP).

Agad namang nagpasalamat si Romualdez mga kapwa mambabatas na nagbigay ng suporta sa kanya at aniya’y pangungunahan niya ang pagsusulong sa unity agenda ng papasok na administrasyong Marcos. Meliza Maluntag