NPC, PAPI nanawagan kay BBM: Malayang pamamahayag palakasin, media task force ituloy

NPC, PAPI nanawagan kay BBM: Malayang pamamahayag palakasin, media task force ituloy

May 28, 2022 @ 1:00 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang National Press Club (NPC) of the Philippines, isa sa pinaka-malaki at matagal nang organisasyon ng mga mamamahayag sa bansa, sa bagong Administrasyong Marcos na patuloy na suportahan ang paninilbihan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Sa isang espeyal na resolusyong ipinasa ng NPC, naniniwala ang grupo na ang pagpapatuloy ng operasyon ng PTFoMS ay magpapatunay na pinalalakas ng bagong Administrasyong Marcos ang pangako nito sa media para sa malayang pamamahayag.

“As one of the national media organizations actively engaged as media-partner and stakeholder of the task force since its creation by President Duterte in 2016, we have seen how effective the task force has been in fulfilling its mandate of giving protection to the life, liberty and safety of all media workers,” ang nakasaad na pahayag ng NPC sa nasabing resolusyon.

Sinabi naman ng bago ring Pangulo ng NPC na si Lydia Bueno, ang pagpapanatili ng PTFoMS sa ilalim ng Marcos Administration ay isang malakas na mensahe sa buong mundo, na ang pamahalaan ay pinahahalagahan ang malaya at responsableng pamamahayag sa bansa, na sinimulan pa ng Administrasyong Duterte.

Inihahayag din sa Special Resolution No. 1, Series of 2022, na binibigyang pansin ng NPC ang packakatatag ng PTFoMS ni Pangulong Duterte under Administrative Order No. 1 noong October 2016.

“Media workers, including Club members, have come to rely on the task force as their direct line to the Office of the President for prompt action of their needs as journalists,” ang sabi ni Bueno.

Dagdag pa niya, na kahit sa maliit na pondo, nakagagalaw ang task force upang tugunan nito ang tungkulin. Katunayan aniya, ay nakalilikom ito ng mga dokumentong nararapat sa bawat kaso ng karahasang nagagawa sa bawat miyembro ng sektor ng media.

Nagawa rin ng PTFoMS ang malaki nitong papel sa nagdaang May 9, 2022, elections, at ipinunto ni Bueno, na walang naganap ni isa man marahas na pangyayari sa mga miyembro ng media, batay na rin sa mga tala ng Philippine National Police.

“The lack of media-related violence in the May 9 national and local elections is not only a testament to the success of the task force but it is also a first in the history of our elections and something that we should all be proud,” paliwanag ni Bueno.

At para lalong lumawig, iminungkahi ng NPC kay President-elect Ferdinand Marcos Jr., na gawing commission for media security (PCOMS) ang PTFoMs sa pamamagitan ng Executive Order upang mapalawak ang kakayahan nitong pangalagaan ang  kapakanan ng media sector.

Kung magkagayon, iminungkahi rin ng NPC kay President-elect Bong Bong Marcos na ikonsidera ang pananatili ni  PTFoMS executive director at presidential undersecretary, Joel Sy Egco, bilang chairman ng nais nitong itatag na PCOMS. Si Egco ay dati rin namuno sa NPC bilang Pangulo nito.

“Having personally known Usec. Egco and having seen his commitment as PTFoMS executive director the past 6 years, we are confident that Usec. Egco would be able to fulfill the new President’s instructions and expectations when it comes to the safety and well-being of all members of the press,” ang paliwanag ni Bueno.

Samantala, naglabas din ng kahalintulad na resolusyon ang Publishers Association of the Phils Inc (PAPI) at sa pamamagitan ng Pangulo nitong si Nelson Santos nanawagan din ang samahan na ikonsidera ni Pangulong Marcos ang pagpapanatili ng PTFoMs. RNT