2 pagyanig naitala sa Bulkang Taal

April 17, 2021 @1:14 PM
Views:
0
Manila, Philippines – Nakapagtala lamang ng dalawang pagyanig ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras ngunit nananatili pa rin ito sa Alert Level 2.
Sa volcano bulletin na inisyu ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang isang episode ng volcanic tremor at sang volcano-tectonic event.
Naobserbahan din ang ‘very weak’ emission ng steam-laden plumes mula sa Bulkang Taal na may taas na 30 metro.
“These parameters may indicate increased magmatic activity at shallow depths beneath the edifice.”
“Sudden steam-driven or phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall, and lethal accumulations or expulsions of volcanic gas can occur and threaten areas within and around TVI (Taal Volcano Island).” RNT/FGDC
Locsin suportado ang pinalawig na travel ban

April 17, 2021 @1:02 PM
Views:
0
Manila, Philippines – Dinepensahan ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pagpapalawig ng travel ban sa bansa dahil sa sitwasyon na kinakaharap dulot ng coronavirus disease (COVID-19).
“Sad but it’s gotta be done. No vaccines yet. But there is hope that will change in 3rd quarter,” saad ni Locsin sa tweet.
Maaalalang pinalawig hanggang katapusan ng buwan ng travel ban na dati ay itinakda noong Abril 21.
The travel ban was initially set until April 21 but was extended to April 30 but the IATF said foreign nationals with valid entry exemption documents issued prior to March 22, 2021, may enter the country.
Batay sa IATF Resolution No. 103 papayagan ang mga sumusunod:
-
Diplomats and members of international organizations and their dependents 9(c) or 47(a)(2) visa at the time of entry
-
Foreign nationals involved in medical repatriation
-
Foreign seafarers under the “Green Lanes” program for crew change
-
Foreign spouses and children of Filipino citizens with valid visas at the time of entry
-
Emergency, humanitarian, and other analogous cases approved by the National Task Force (NTF) Against COVID-19
RNT/FGDC
M5.4 lindol yumanig sa Sarangani

April 17, 2021 @12:38 PM
Views:
0
Manila, Philippines – Naitala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang magnitude 5.4 lindol sa Sarangani, Davao Occidental bandang 4:55 ng umaga.
Natukoy ang episentro ng lindol sa 261 kilometrong southeast ng Sarangani.
Sa datos, may lalim itong 39 kilometro.
Wala namang inaasahang malaking pinsala ngunit inaasahan ang ilang aftershock. RNT/FGDC
15 lugar nasa Signal No. 1

April 17, 2021 @12:25 PM
Views:
8
Manila, Philippines – Umakyat na sa 15 ang lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 makaraang bahagyang lumakas ang bagyong Bising habang binabaybay ang patungo sa Philippine Sea, batay sa PAGASA.
Luzon
-
Sorsogon
-
Albay
-
the eastern portion of Camarines Sur (Siruma, Goa, Ocampo, Tigaon, Sagnay, Baao, Nabua, Bato, Iriga City, Buhi, Tinambac, Lagonoy, San Jose, Garchitorena, Presentacion, Caramoan)
-
Ticao Island
-
Catanduanes
Visayas
-
Northern Samar
-
Samar
-
Eastern Samar
-
Biliran
-
Leyte
-
Southern Leyte
-
Camotes Islands
Mindanao
-
Dinagat Islands
-
Surigao del Norte (including Siargao and Bucas Grande Islands)
-
Surigao del Sur
Namataan ang sentro ng bagyo sa 645 km silangan ng Maasin City, Southern leyte o 545 km silangan ng Guiuan, Eastern Samar taglay ang 185 km/h na hangin sa gitna at pagbugsong 230 km/h. RNT/FGDC
DA sa magsasaka: Maghanda na sa #BisingPH

April 17, 2021 @12:12 PM
Views:
18