NPC sa mga establisimyento: Personal data ng customers, i-secure para sa contact tracing

NPC sa mga establisimyento: Personal data ng customers, i-secure para sa contact tracing

July 12, 2020 @ 2:54 PM 4 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng National Privacy Commission (NPC) ang mga may negosyo na i-secure ang detalye ng mga kustomer bilang bahagi ng hakbangin sa contact tracing measures laban sa coronavirus disease o COVID-19.

Paliwanag ni NPC Privacy Commissioner and Chairman Raymund Liboro, responsable ang mga kustomer na magbigay ng tamang personal na impormasyon para sa contact tracing purposes.

“Sa mga business establishment, dapat ang babalikan lang din natin ay ‘yung mga prinsipyo natin on protecting privacy,” aniya sa panayam.

“Collect what is necessary but disclose only to the proper authorities. So ‘yun ang kailangan nating disiplina sa panahong ito,” dagdag pa nito.

Dapat aniya maging matapat sa pagsusulat ng impormasyon.

“Mahalaga din doon ay isinasaad kung paano nila sine-secure ang mga data na ito, at kung magkakaroon sila ng tanong ay hanapin ‘yung data protection officer.”

“So itong mga collection ng data, siguraduhin na ‘yung policy natin sa tindahan ay tama. So halimbawa, ‘yung retention, gaano katagal nga dapat ito ilagak,” lahad pa nito.

Samantala, giit ni Liboro para sa may mga reklamo, maaari silang magpadala ng email sa complaints@privacy.gov.ph.

“Again, ang panawagan ko sa mga establishment, may mga panahon ngayon na ang mga tao natin ay mga pag-aalinlangan. Kailangan mapawi yan lalo na’t kapag nagkokolekta sila ng impormasyon. Siguraduhin natin sa mga tao na makakaasa sila na hindi mapapasama ang kanilang mga personal data.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...