NSA bumubuo ng legal agreement book sa S. China Sea

NSA bumubuo ng legal agreement book sa S. China Sea

September 4, 2022 @ 1:14 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Kasalukuyan nang gumagawa ng libro si National Security Advisor (NSA) Clarita R. Carlos hinggil sa regional fishing agreement na maaaring maging regulatory framework o common legal framework para sa anim na bansa na nag-aagawan at umaangkin sa sobereniya ng South China Sea.

Ang anim na bansa na may territorial claims sa South China Sea ay ang Pilipinas, Brunei, China, Taiwan, Indonesia, at Vietnam.

“Siguro kailangan talaga ng isang regulatory framework and that’s exactly what I’m doing. I’m writing a book on the regional fishing agreement. I hope it will be finished and become a platform for all the six countries that are claiming territory over the South China Sea, for them to have a common legal framework on when to fish, what to fish, when not to fish,” ani Carlos sa isang panayam.

Bahagi aniya ng regulatory framework ay kung paano tutugunan ang “overfishing” upang sa gayon ay masiguro na hindi mawawala ang mga isda at ang fish stock ng mga claimant-countries ay hindi mababawasan.

Ani Carlos, ang librong kanyang sinusulat ukol sa regional fishing agreement ay paraan para makalayo mula sa high politics area sa pagtalakay ng “territory and sovereignty” at naglalayong “gain some headway in the various rival claims in the contested sea.”

Hangad ni Carlos na mag-usap ang anim na bansa at magkaroon ng consensus hinggil sa regulatory framework na may kinalaman sa fishing activities.

“Why I’m moving towards that direction? Because I think that real politics, you know all these belligerent actions by many political actors in the South China Sea, will not amount to anything except the ultimate, which we all would not want to think about, which is war,” paliwanag ni Carlos, chairperson ng National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS).

“So let us not go there and the way to do that is to make sure that we will shift our dialogue, and our dialogue now will be about fish. Let’s talk fish, let’s talk regulatory framework about fish, and you will realize this will spill over into other areas where we are seeing that because we are so preoccupied with fish, the scientist will also be so preoccupied,” dagdag na pahayag ni Carlos. Kris Jose