NSA Carlos pinasalamatan ng biz leader sa pagtuldok sa red-tagging practice

NSA Carlos pinasalamatan ng biz leader sa pagtuldok sa red-tagging practice

December 7, 2022 @ 9:43 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinasalamatan ng mga business leader si National Security Adviser Clarita Carlos matapos tuldukan ang practice ng red-tagging sa gobyerno.

Nagsisilbi rin kasi si Carlos bilang vice chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Pinasalamatan ni Ed Chua, chairman ng Business for Sustainable Development and the Makati Business Club, si Carlos sa idinaos na dayalogo kasama ang ibang lider sa Asian Institute of Management (AIM) sa Makati City, araw ng Lunes.

Ang dayalogo ay kauna-unahang ginawa ni Carlos sa isang miting kasama ang mga miyembro ng business community.

Inilarawan naman ni Chua ang red-tagging bilang “highly divisive” at “does not really address the main causes of why some of our countrymen have gone underground.”

Nauna rito, binigyang diin ni Carlos na wala nang red-tagging sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sabay sabing “it makes no sense labeling people.”

Ikinatuwa rin ni Chua ang pakikipagpulong sa kanya ni Carlos at sa iba pang miyembro ng business community.

Pinuri naman ni Toti Chikiamco, pangulo ng Foundation for Economic Freedom si Carlos dahil isinama ang business community sa national security concerns.

Sa kabilang dako, para naman kay Carlos, binigyang diin nito ang tungkulin at gampanin ng business community sa national security.

“National security is human security. National security is the security of the individual. You go to work, go home, and have a fair assurance that you’ll come back walking, and not dead. Human security, food security, energy security—where you have light at home, or gasoline for your car; health security,” aniya pa rin.

Para sa kanya, “symbiotic’ ang relasyon ng gobyerno at pribadong sektor.

“The government regulates wealth creation and distribution while the private sector generates value and leads the distribution of resources. In this light, the government depends on businesses to ensure that more people benefit from the scarce resources,” dagdag na wika nito.

Samantala, hinikayat naman niya ang mga business leaders na mas maging maingat sa “data privacy at security,”

“(It is) a direct national security threat in the event that the company’s proprietary information falls into the wrong hands,” ayon kay Carlos. Kris Jose