NTC bubuo ng task force para sa SIM card registration

NTC bubuo ng task force para sa SIM card registration

December 28, 2022 @ 1:28 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inanunsyo ng National Telecommunications Office (NTC) nitong Miyerkules na bubuo ito ng task force para bantayan ang implementasyon ng SIM card registration law matapos maiulat ang ilang aberya sa unang araw ng rehistrasyon nitong Martes.

“May crineate na ang NTC na task force on monitoring nitong implementation nitong SIM registration. Mayroon po tayo niyan sa central office na task force team at secretariat. Sa mga regional offices din naa\min, nagtalaga din kami ng mga officials namin para sila ang maging coordinating focal persons po natin,” ani NTC Deputy Commissioner Jon Paulo Salvahan.

Nang tanungin ukol sa kung ano ang gagawin ng NTC para sa mga lalawigan na may mahinang signal, sinabi ni Salvahan na bubuo rin ng ad hoc committee upang talakayin ang isyu. RNT/SA