NTC nagbabala vs SIM Registration scams

NTC nagbabala vs SIM Registration scams

January 14, 2023 @ 10:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Nag-abiso ang National Telecommunications Commission (NTC) sa publiko na mag-ingat sa mga indibidwal na maaaring “taking advantage of technically and computer illiterate persons” sa pamamagitan ng pag-aalok ng libre o paid assistance para sa mandatory Subscriber Identity Module (SIM) card registration.

Sa abiso, binigyang-diin ng komisyon na hindi nila inirerekomenda ang pagtanggap sa registration assistance offers mula sa mga pribadong indibidwal, may bayad man ito o wala. Sinuportahan naman ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang panawagan, at hinikayat ang registrants na sa halip ay tumawag sa registration hotline 1326.

Batay sa pinakabagon update ng NTC nitong Biyernes, mahigit 18 million subscribers sa Pilipinas ang nakapagparehistro na ng kanilang SIM card.

Nakapagtala ang Smart Communications Inc. ng pinakamataas na bilang ng registrants — 8,920,898 hanggang nitong Jan. 12. Katumbas ito ng 13.12 porsyento ng 67,996,734 existing subscribers. Sinundan ito ng Globe Telecom sa 7,996,797 at Dito Telecommunity sa 1,613,528 registrants.

Pumalo sa 18,531,223 ang kabuuang bilang ng nakapagparehistro na ng SIM o 10.97 porsyento ng halos 170 million users sa bansa. RNT/SA