NTC nakakolekta ng P6.63B revenue

NTC nakakolekta ng P6.63B revenue

September 29, 2022 @ 2:19 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nakakolekta ang National Telecommunications Commission ng aabot sa P6.63 bilyon sa revenue o kita ng ahensya sobra pa sa 2022 collection target nila na P5.58 bilyon

Batay sa pahayag ng NTC, ang Development Budget Coordination Committee ang nagtakda ng target collection nila na nahigitan pa ng nakolekta nila ng 18.71% o P1.05 bilyon.

“The NTC’s systematic collection effort is the agency’s modest way of contributing to the public service programs of our dear President Ferdinand R. Marcos, Jr. – priorities of which are on food security, free and universal primary education, and public health,” ani NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

Nagpasalamat naman ang ahensya sa Department of Information and Communications Technology sa suporta nito sa kanilang mga inisyatibo.

Kung babalikan, nahigitan rin ng NTC ang collection target nila sa 2021 ng P3.82 bilyon o 72.4% na mas mataas. RNT/JGC