NTC sa mga telco, internet provider: Maghanda sa internet traffic sa Kapaskuhan

NTC sa mga telco, internet provider: Maghanda sa internet traffic sa Kapaskuhan

December 6, 2020 @ 9:34 AM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinaalalahanan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng telecommunication company at internet provider na maghanda sa internet traffic sa darating na Kapaskuhan.

“You are hereby directed to fast track your maintenance efforts, increase internet/broadband capacities, and ensure that business continuity and disaster recovery protocols are in place and functioning, 24/7,” pahayag ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba.

Ito ay batay sa isang memorandum na inilabas nitong Disyembre 4.

Anila, maraming Christmas parties, pagtitipon, reunions, at iba pang aktibidad tuwing Kapaskuhan ang gaganapin online.

Iniutos din ang “heightened level of emergency preparedness” upang masigurong walang magiging aberya mula Disyembre 7, 2020 hanggang Enero 8, 2021. RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...