NTC sa telcos: Maglagay ng libreng call, charging services sa quake-hit areas

NTC sa telcos: Maglagay ng libreng call, charging services sa quake-hit areas

July 27, 2022 @ 5:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) nitong Miyerkules sa telecommunications companies na maglagay ng libreng call at charging services sa mga lugar na apektado ng magnitude 7 na lindol na yumanig sa bahagi ng Luzon.

Sa isang memorandum, iniatas ng NTC sa public telecommunications entities “to deploy Libreng Tawag and Libreng Charging Stations in strategic areas affected by the earthquake in Abra this morning.”

Pinaalalahanan sin ang telcos na obserbahan ang mahigpit na health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Valid ang nasabing memo hanggang Agosto 5, 2022. Ipinag-utos din sa telcos wna magsumite ng report of compliance sa Agosto 10, 2022 o bago ang petsang ito.

Sa isang abiso, sinabi ng PLDT-Smart na nagpadala na ito ng mga tauhan at mission-critical equipment para maglagay ng libreng call stations sa mga probinsya ng Abra at Ilocos Sur upang makatulong sa mga apektadong residente.

Inilahad ng PLDT-Smart na naglagay sa mga sumusunod na lugar ng libreng calls stations:

Ilocos Sur

  • Vigan Northern Alliance Trading, 3rd Floor UNP Town Center, Tamag, Vigan City

  • Candon City PD Office, Corner Gaerlan and Abaya St., San Isidro, Candon

Abra

  • Abra PD Office, Horizon St. Zone 7, Bangued

Sa hiwalay na pahayag, inihayag naman ng Globe Telecom Inc. na nagtalaga ito ng Libreng Tawag, Libreng Charging, at Libreng Wifi stations.

Agad na kumilos ang Globe para maserbisyuhan ang Bangued Plaza sa Abra.

“This service will remain available for at least three days,” ayon sa Globe.

“Our technical teams immediately assessed our network and we found no damage to our infrastructure. Our network is stable. Customers, emergency workers and local authorities in quake-hit areas may expect reliable connectivity, which is crucial in addressing urgent concerns in the aftermath of this powerful temblor,” sabi ni Globe chief sustainability and corporate communications officer Yoly Crisanto. RNT/SA