NTC sa telcos: Pagbalik-serbisyo sa mga lugar na naapektuhan ng M-7 na lindol, bilisan

NTC sa telcos: Pagbalik-serbisyo sa mga lugar na naapektuhan ng M-7 na lindol, bilisan

July 28, 2022 @ 11:56 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng public telecommunications entities na bilisan ang pagkukumpuni at pagbabalik ng kanilang serbisyo sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng lindol sa Abra, kaninang umaga.

Pinatitiyak din ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba na dapat ay mayroong sapat na technical at support personnel at standby generators with extra fuel, tools at spare equipment sa mga apektadong lugar.

Inaasahan ng komisyon mula sa telcos ang kanilang status updates sa restoration activities na isinasagawa sa kanilang network at facilities, at timeline para sa full restoration ng kanilang serbisyo. RNT