NTC sa telcos: Text blasts vs text scams ituloy-tuloy lang

NTC sa telcos: Text blasts vs text scams ituloy-tuloy lang

October 7, 2022 @ 9:33 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mga public telecommunications entities na ipagpapatuloy ang pagpapadala ng text blasts sa mga subscribers nito laban sa text scam.

Ang utos ay nakasaad sa memorandum order na inilabas ng NTC sa DITO Telecommunity, Globe Telecoms, at Smart Communications.

Sa nasabing memorandum inaatasan ang tatlong kumpanya na ituloy ang pagpapadala ng text blasts sa kanilang subscribers mula Oct. 5 hanggang Oct. 11, 2022.

Inatasan din ang tatlong kumpanya na ituloy ang proseso ng pag-block sa SIM cards na ginagamit para makapanloko ng subscribers.

Sa hiwalay na memorandum, inatasan ng NTC ang lahat ng Regional Directors at officers-in-charge ng ahensya na magsagawa ng public information campaign upang mabigyang babala ang publiko laban sa text scams.

Noong nagdaang buwan ng Setyembre ay pormal na inilunsad ng NTC ang “NTC Kontra Text Scam” campaign nito.

Sa nasabing kampanya ay hinihikayat ang publiko na i-report ang mga natatanggap nilang text scam sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa kontratextscam@ntc.gov.ph o sa website ng ahensya na https://ntc.gov.ph. RNT