NTF adviser nagbabala vs COVID-19 surge sa sunod na 2 buwan

NTF adviser nagbabala vs COVID-19 surge sa sunod na 2 buwan

April 9, 2022 @ 3:00 PM 3 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang isang government adviser nitong Sabado sa posibleng surge sa kaso ng COVID-19 sa susunod na dalawang buwan dahil sa malalaking kaganapan, kagaya ng Halalan, Ramadan at Mahal na Araw.

“We have the campaign period in politics, elections, and we have religious events like Ramadan and mass gatherings. All of these are what we call ‘high-risk events’ for superspreaders,” pahayag ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa sa Laging Handa briefing.

“Magandang reminder ito sa atin na puwede talagang tumaas ang mga kaso,” ayon pa kay Herbosa.

Sa kabila ng pagbaba sa COVID-19 cases, ipinaliwanag ni Herbosa na posible pa rin ang pagsirit sa kaso ng impeksyon.

“Pwede pa ring mangyari ang surge natin, ‘yan nga ‘yung cycle natin for the past na every three months, tumataas ang cases natin. So parang January, February tayo, talagang due for another surge or outbreak,” aniya.

“I think mahirap mag-relax. Ako, cautiously optimistic. Sana hindi na bumalik dahil sa mataas na vaccination rate natin sa Metro Manila, pero siyempre posible pa ring mangyari ‘yan sa ibang parte ng Pilipinas,” patuloy ni Herbosa. RNT/SA