NTF against COVID pinag-aaralang gawing 24/7 ang pagbabakuna

NTF against COVID pinag-aaralang gawing 24/7 ang pagbabakuna

March 13, 2021 @ 3:48 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Pinag-aaralan ngayong mabuti ng National Task Force against COVID-19 na gawing 24/7 ang pagbabakuna kapag dumating na ang bulto ng anti-coronavirus vaccines sa bansa.

Sa Laging handa public press briefing sinabi ni NTF Deputy chief Implementer at Testing czar Sec Vince Dizon na kanila rin itong kinokonsidera upang makamit ang kanilang target na 50-70 milyong Filipino na mababakunahan bago matapos ang 2021.

Sa kabila nito ay kinokonsidera rin ng NTF ang sitwasyon ng vaccinators.

Ayon kay Dizon, maaari namang gawing dalawa hanggang tatlong shift kada araw ang vaccination upang mas mabilis umusad at mas maraming mabakunahan.

Samantala, inaasahan na pagsapit ng 3rd o 4th quarter ng taong kasalukuyan ay darami na ang supply ng bakuna sa bansa. Kris Jose