NTF-ELCAC gagayahin ng PNP sa ‘war on drugs’ – Azurin

NTF-ELCAC gagayahin ng PNP sa ‘war on drugs’ – Azurin

October 3, 2022 @ 4:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Gagayahin ng Philippine National Police ang paraan at estratehiya ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) upang masugpo ang illegal na droga sa bansa.

Ito ang inihayag ni PNP chief Police General Rodolfo Azurin Jr. nitong Lunes, Oktubre 3 kasabay ng pulong balitaan kung saan mas paiigtingin pa nila ang ‘war on drugs’ na sinimulan ng nakaraang administrasyon.

“We wanted to copy ‘yung strategy natin sa NTF-ELCAC. It will be a holistic approach wherein every agency na kailangan ma-involve dito sa war on drugs natin will be presenting na kailangan sumama sila, so role playing ang gagawin natin,” ani Azurin.

Sa kasalukuyan ay nag-iisip na sila ng mga “strategies” upang mas mapabuti ito.

Ilan pa sa mga ibinahagi ni Azurin ay ang pakikipagpulong niya sa Hawaii kasama ang United States Indo-Pacific Command upang pag-usapan ang pagpapaigting ng border control at security upang maiwasan makapasok ang illegal na droga sa bansa.

Suportado rin umano niya ang suhestyon ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers na obligahin ang mga aktor na sumailalim sa drug test makaraan maaresto ang artistang si Dominic Roco sa isang drug buy-bust. RNT/JGC