NTF-ELCAC: Mga komunista bigyan ng amnestiya

NTF-ELCAC: Mga komunista bigyan ng amnestiya

July 15, 2022 @ 6:15 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Inirerekomenda ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang amnestiya upang tugunan ang insurhensya.

Napagdesisyunan ito ng NTF-ELCAC nitong Biyernes matapos ang unang executive committee sa ilalim ng Marcos administration.

“The task force strongly recommends the need for offering an amnesty to prevent the resurgence of the communist terrorist groups, especially in geographically, challenged, isolated, and disadvantaged areas,” pahayag ng grupo.

Sinabi ni National Security Adviser (NSA) Clarita Carlos na ang deklarasyon ng amnestiya at posibleng pagbuhay sa peace talks ay depende sa desisyon ni Marcos.

“That is the decision that the president of the republic will make,” aniya.

“And if you will notice in the statement, our statement really is recommending to the President because it is the president who will make the ultimate decision in regard to the amnesty declaration,” dagdag ni Carlos.

Nangako naman ang task force, na nilikha sa ilalim ng administrasyong Duterte na ipagpapatuloy ang mga pagsisikap upang masiguro ang kapayapaan para sa mga Pilipino.

Inirekomenda rin nito ang pagpapatibay ng kahalagahan ng whole-of nation approach sa pagtalakay sa ugat ng armed conflict. RNT/SA