NTF sa LGUs: Second dose vaccination iprayoridad sa nabalam na pagdating na bakuna

NTF sa LGUs: Second dose vaccination iprayoridad sa nabalam na pagdating na bakuna

July 6, 2021 @ 5:33 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng National Task Force Against COVID-19 ang mga local government units na iprayoridad ang  pagbibigay ng second dose sa mga nabakunahan na ng unang shot ng Sinovac vaccine.

Kasunod ito ng abiso ng Chinese manufacturer na made-delay ang dating ng sunod na batch ng mga bakuna.

Ayon kay testing czar Vince Dizon, ang susunod na Sinovac delivery ay inilipat sa July 18 pero ginagawan umano ng paraan ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na madala ito sa bansa sa susunod na linggo.

Sabi ni Galvez, ang delayed Sinovac shipment ay aabot sa 2.5 million doses.

“With this development, we advise all LGUs who have Sinovac vaccines in their inventory to ensure that the allocation for the second dose should be used as the second dose,” aniya.

“Huwag po nating gamitin as first dose ang para sa second dose na Sinovac para masiguro na magkakaroon ng full protection ang ating mga kababayan na nakakuha na ng first dose,”dagdag ni Galvez.

Tiniyak naman ni Health Secretary Francisco Duque III sa publiko na maaaring tumagal ng tatlo hanggang anim na buwan ang pagitan ng pagtuturok sa una at ikalawang dose.

“Wala pong problema ‘yan kahit magkaroon ng konting delay. Ang mahalaga, kunin pa rin ang second dose.”

Aabot na sa mahigit 12 million doses ng COVID-19 vaccines mula sa Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, Sputnik V, at Moderna ang nagamit na sa bansa. RNT