NTF sa publiko: Magpa-booster ngayong Holy Week

NTF sa publiko: Magpa-booster ngayong Holy Week

April 11, 2022 @ 1:50 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Naging relax o kampante ang maraming Pilipino magmula nang ipinatupad ang Alert level 1 sa maraming lugar ng bansa.

Ito ang ipinahayag ni NTF Against COVID-19 medical adviser Dr Ted Herbosa na kung saan, naging barometro nito ang bilang ng mga dapat sana’y kwalipikado ng magpa-booster shot subalit hindi naman ginawang magpaturok.

Aniya, naipit na sa labing-dalawang milyon lamang ang mga nagpag-booster samantalang nasa 66 na milyon na ang may 2nd dose.

Malayo aniya ang hahabulin na datos kaya panawagan ni Herbosa sa publiko. sana ay samantalahin ang Holy Week at walang trabaho.

At kung nasa bakasyon naman, mayroon din namang vaccination sa mga lalawigang pupuntahan at ang ipapakita lang naman ay ang vaccination card na may two doses at lampas na ng three months .

“Medyo nag-relax iyong mga kababayan natin noong bumaba tayo sa Alert Level 1. Naipit tayo sa 12 million lang na naka-booster, whereas, 66 million na ang may two doses. So, malayo iyong hahabulin,” ayon kay Herbosa.

“So, reminder: Habang Holy Week at walang trabaho, siguro ang maganda ay puwede na tayong magpa-booster. And by the way pati doon sa mga probinsiya na bibisitahin ninyo, puwede tayong magpa-booster doon. Ipakita ninyo lang iyong inyong vaccination card na may two doses at kung lampas three months na puwede kayong makatanggap ng booster shot doon sa lugar na iba sa inyong address,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose